Saturday , November 23 2024

2nd impeachment case vs PNoy inihain

071614 Pnoy PDAF DAP SC court

INIHAIN ang pangalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Kamara de Representante.

Ang kaso ay inihain ng grupo ng mga kabataan na Youth Act Now at inendoso ni Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon.

Inakusahan ng grupo si Aquino ng betraying public trust na anila’y lumabag sa 1987 Constitution bunsod ng kwestyonableng implementasyon ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Magugunitang ito rin ang ginawang batayan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at 27 iba pa nang ihain ang unang impeachment case laban kay Aquino nitong Lunes.

Inihain ang reklamo na pirmado ng 25 youth and student leaders sa tanggapan ni House Secretary-General Marilyn Barua-Yap.

2 IMPEACHMENT VS PNOY PAG-IISAHIN

IKO-CONSOLIDATE na lamang ng House justice committee ang lahat ng mga impeachment complaint na naihain at maihahain pa laban kay Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ng chairman ng komite na si Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., ang mahalaga ay maihain ang iba pang complaint bago ang referral ng plenaryo sa justice committee.

Paliwanag ni Tupas, nangyari na ito noon sa impeachment ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez na naharap sa dalawang impeachment complaint na nai-consolidate ng komite.

Pwede aniyang mangyari ang consolidatation ng complaints makaraan ang determinasyon ng sufficiency in form and substance o kaya ay sa punto bago bumuo ng articles of impeachment.

Kasabay nito, sinabi ni Tupas na isasantabi ng justice committee ang lahat ng iba pang pending matters sa oras na mai-refer dito ang impeachment complaint para matutukan ito ng komite.

Sigurado aniyang mapagbotohan agad ang sufficiency in form nito sa unang araw pa lamang ng pagdinig.

Kamakalawa ay naihain ang unang complaint habang kahapon ay naisumite ang ikalawang reklamo laban kay Pangulong Aquino.

(JETHRO SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *