Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misteryosong crater sa ‘Dulo ng Mundo’

NAKUNAN ng footage ng isang helicopter na lumilipad sa ibabaw ng rehiyon sa Siberia na kung tawagin ay ‘Dulo ng Mundo,’ ang misteryosong crater sa gitna ng lambak na sinasabing may sukat na 260 talampakan ang diametro.

Noong una, pinagdudahan ang mga imahe na peke subalit kinompirma ng Russian officials na totoo ngang nagkaroon ng dambuhalang butas sa lupa at nagpadala sila ng isang team ng mga expert para imbestigahan ang site na mata-tagpuan sa area na opisyal na pinagalanang Yamal peninsula.

Kumuha ang mga siyentista mula sa Center for the Study of the Arctic at Cryosphere Institute of the Russian Academy of Sciences ng mga sample mula sa lugar.

Ang tanong nga lang ngayon ay saan nagmula ang crater.

“Masasabi lang natin na hindi ito meteorite pero wala pang detalye ukol dito,” wika ng tagapagsalita ng Emergencies Ministry ng Russia sa Siberian Times.

Sinabi rin ng mga expert na hindi ito resulta ng higanteng meteor crash o isang sinkhole, kahit pa ang Siberia ay tahanan ng Tunguska Explosion noong 1908.

Ang nangungunang teorya ay aktu-wal na natural phenomenon ang crater na kung tawagin ay ‘pingo.’ Nagaganap ang pingo, o hydrolaccolith, kapag natunaw ang yelo mula sa ilalim ng lupa. Sa kaso ngayon, maaaring climate change ang dahilan ng pagkatunaw ng yelo na nagresulta naman ng crater.

Ilang mga observers ang nagsabing nadiskubre ang crater ilang milya lang ang layo mula sa isa sa pinakamalaking gas field sa Russia, na nagbunsod ng mga espekulasyon na isang underground explosion ang responsable rito.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …