Sunday , November 3 2024

Misis 5 beses tinarakan ng icepick, tigbak (Pinagselos si mister)

PANIBUGHO ang nagtulak sa isang ama ng tahanan na saksakin ng icepick nang limang ulit ang kanyang misis nang ipagmalaki ng biktima na may ibang taong nakauunawa sa kanya sa Pasay City kamakalawa ng umaga.

Nalagutan ng hininga bago idating sa Pasay City General Hospital si Vilma Velazquez, 36, ng 1749 Cuyegkeng St., Zone 1, Brgy. 2 , Pasay City.

Sumuko kay Joel Savarez, barangay kagawad ng Brgy.2, Zone 1, ang suspek na si Freddie Velazquez, 36, vendor, residente rin sa naturang lugar, at dinala sa Pasay Police.

Sa imbestigasyon nina PO3 Giovanni Arcinue at SPO1 Cris Gabutin, dakong 6:30 a.m. nang naganap ang insidente sa bahay ng mag-asawa sa nabanggit na lugar.

Ayon sa pahayag ng suspek na si Freddie, gabi pa lamang ay nagtatalo na silang mag-asawa dahil ipinagmalalaki sa kanya ng kanyang misis na mayroong tao na nakauunawa sa kanya at pwede silang buhayin.

Sumama ang kanyang loob kaya nagpasya siyang umalis ng bahay.

Ilang oras lamang ang nakalipas, umuwi ang suspek na lasing at nadatnan ang kanyang limang anak at misis na natutulog na.

Ginising ng suspek ang kanyang misis at pinaamin kung sino ang kanyang ipinagmamalaki, na humantong sa kanilang pagtatalo.

Dumilim ang paningin ng suspek, dinampot ang ice pick at inundayan ng saksak ang kanyang misis. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *