ni Roldan Castro
BAGONG aura ang nakikita kay Meg Imperial sa book 2 ng Moon of Desire ng Kapamilya Gold. Bagong gupit ng buhok at lutang na lutang ang kaseksihan.
Challenge sa kanya na na-extend ang Moon of Desire.
“Kailangan kong patunayan na ngayon na-extend, kasi hanggang hindi natatapos ‘yung ‘MOD’…hanggang on going siya kailangan mayroon ka pa ring patutunayan at kailangang mag-improve. Mas level-up dapat. Laging nasa isip ko, kulang pa talaga at kailangang i-push,” deklara niya.
Sa palagay niya ano pa ang kulang sa kanya?
“Siyempre, baguhan pa rin naman ako, so, marami pa akong puwedeng matutuhan with my co stars. ‘Yung parang nag-a-ask pa ako at mayroon pa rin akong ilalabas. Hindi ako nag-i-speak na hanggang dito na lang ako. Kailangan ko pa ring mag-grow,” aniya.
Sa istorya ng MOD, nakabuntis na si JC De Vera sa ibang babae, kung sa totoong buhay paano niya iha-handle ‘pag nakabuntis ng ibang babae ang mahal niya?
“Ay siyempre, doble-dobleng sakit ‘yun. Ang hirap. Sa point ko, si Ayla (character niya sa MOD) kasi bibigyan niya ng second chance, eh. Pero kung ako talaga, walang second chance. Kasi pagiging iresponsable ng lalaki ‘yun. Siyempre, dapat ikaw lang,” deklara niya.
Pero kaya ba niya ‘yung sitwasyon na kasama sa work ang karibal niya at ex niya at nasa iisang lugar sila?
“Kung sa work siguro okey lang. Ex naman, eh. Parang wala na ‘yun. Kumbaga, ‘pag naka-move-on ka na, okey na ‘yun. Pero kung hindi pa, siguro may ilangan factor pero kakayanin mo,” sey pa niya.
Posible ba na maging kaibigan niya ang ex niya?
“Oo, ganoon ako,” pag-amin niya.
May naging ex-boyfriend na ba siya?
“Oo naman. Nagkaroon na… grabe naman ..ha!ha!ha! Friends kami hanggang ngayon,” rebelasyon niya na ayaw na niyang banggitin kung sino ‘yun pero nakasama niya rati sa isang show.
Talbog!