ni Alex Brosas
TOTOO kaya ang nakarating sa aming chika na nagrereklamo na ang GMA-7 dahil luging-lugi ang network kay Marian Rivera?
Guaranteed kasi ang contract ni Marian, meaning may work siya o wala, bayad siya, at in millions, ha.
Now, isa lang ang show ni Marian, ang self-titled dance program niyang hindi na nagre-rate ay hindi pa pinapasok ng advertisers. Ibig sabihin, milyones ang ibinabayad kay Marian ng network pero isa lang ang show niya.
Hindi naman ito kasalanan ng dyowa ni Dingdong Dantes. Eh, anong magagawa niya kung isa lang ang show niya sa Siete?!
Pero natatakot na raw kasi ang executives ng Siete dahil kahit na ano raw show ang ipagawa sa dalaga ay palaging FLOP. Ang teleserye nito ay nangulelat sa rating. Ang dance show niya ay one digit lang ang rating. Hindi na nila alam kung paano nila ire-repackage ang aktres, kung gagawin ba nila itong host o aktres lang sa soap opera. Nauubusan na raw sila ng idea kung ano ang gagawin kay Marian para masulit ang ibinabayad nila rito.