Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, nagbago na nga ba kaya nilayasan ng Parking 5 at PA?

ni Roldan Castro

HOW true na buwag na ang Parking 5 band ni Daniel Padilla? Totoo ba na may samaan sila ng loob bilang magbabarkada? Kaya pala wala ang P5 sa free concert ni Daniel sa Tacloban dahil hiwa-hiwalay na sila?

Iisa tuloy ang tanong kung nagbago ba si Daniel dahil sa kasikatan niya kaya nabuwag ang kanyang banda?

Ayon sa aming source, isa sa P5 ang pinagbibintangan na gustong sirain si DJ at nagkalat umano ng mga larawan ng Teenage Superstar na may hawak na sigarilyo at alak. May pinapangambahan pa umanong lumabas na ‘kulitan’ nilang pose bilang mga lalaki at magbabarkada.

Sayang naman ang samahan nila at itinuring silang pamilya ni DJ. Kung mayroong hindi pagkakasunduan, kailangan bang humantong sa siraan at labasan ng baho?

Kung tutuusin itinuring silang mga kapatid ni DJ at mas laan ang oras niya sa pakikipagkaibigan sa kanila kaysa sa mga kasamahan niyang actor. Naglaan din ng malaking space si DJ sa ipinatayo niyang bahay para sa mga ka-banda niya. Suma-total, mahal sila ni Daniel.

Sayang din ang nasimulan nila at tinatapos na album kung watak-watak na sila?

Balita namin, nagsipag-aral na raw ang ibang miyembro. Mayroon ding parents umano na nagagalit sa nangyari sa grupo dahil naisakripisyo nila ang visa ng anak at dalhin sa US dahil nga banda.

Kung balitang nilayasan si DJ ng  banda niya, pati PA niya ay lumayas  na rin daw sa kanya.

Anyare? May nagbago ba sa ugali ni Daniel? O, hindi lang nila naiintindihan minsan si DJ na wala nang oras sa kanila dahil pagod din sa trabaho? Minsan ay stress din sa work kaya nag-iiba ang timpla ng mood niya?

Just asking!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …