ni Roldan Castro
SEY ng isang scribe, bukod kay Coach Toni Saret ng The Biggest Loser, dapat daw kuning endorsers ng Capsinesis ay ‘yung mga bilugan gaya nina Sharon Cuneta, Ara Mina, Aiko Melendez na ‘pag pumayat ay talagang papatok ang nasabing gamot.Agree naman kami roon pero swak din si Coach Toni dahil sa pagiging sexy at healthy nito. Bongga nga siya dahil kinabog pa niya ang winner ng The Biggest Loser dahil may ini-endorse na siya after the show.
Kinuha siyang image model ng Capsinesis, na isang fat-burning capsule, pero, ang pagiging slim ng gagamit nito ay side effect na lang dahil mabisa ito sa pampababa ng dugo, cholesterol, blood sugar at sakit sa puso. Ang ingredient kasi ng Capsinesis ay cayenne, wild cherry, at green tea powder kaya all natural and organic.
Sinabi ni Coach Toni na rati na siyang commercial model at obese pa siya rati kaya naman ganoon na lang ang pagpo-promote niya ngayon sa wellness and fitness.
Tsuk!