INALERTO at pinadoble-kayod ng Malacanang ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay sa pananalasa ng bagyong Henry.
Partikular na kanilang pinatututukan ang Silangang Samar, Dinagat at mga isla ng Siargao at Surigao del Norte, gayundin sa Bicol at Southern Luzon.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, patuloy na pinapayuhan ng pamahalaan ang mga naninirahan sa mga nasabing lalawigan na maging alerto sa maaaring maganap na flash floods at landslides.
Ipinaalala rin sa mga mangingisda na huwag nang maglayag mula sa mga silangang baybayin patungong karagatan ng Bicol, Visayas at Mindanao.