ni Alex Brosas
VERY unprofessional pala itong si Alessandra de Rossi.
Imagine, starlet lang siya pero kung makaasta ay parang kung sino.
Sumama ang loob ni Alex kay Heart Evangelista nang ibuking nito na may relasyon siya kay Sid Lucero. Talagang nagalit nang husto si Alex na para bang napakalaking kasalanan ang nagawa ni Heart at wala itong kapatawaran.
How true ang nasulat na nagbanta raw itong si Alex na hindi siya sisipot sa taping ng early morning show nila kasama sina Gladys Reyes, chef Boy Logro, at Donita Rose kung ige-guest si Heart?
Kung true ito, aba, sino ka para umarte nang ganyan? Starlet ka lang naman, ah, bakit kung umasta ka ay para bang napakalaki mong pangalan, na ikaw ay Superstar?
Alex, you must remember na talent ka lang ng Siete. Eh, ano kung guest n’yo si Heart, bakit masyado kang affected?
At sino ka para magbantang a-absent kapag itinuloy ang balak na mag-guest si Heart sa show n’yo?
Helllloo, starlet Alex, ‘wag masyadong feeling big star.