Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3-on-3 dapat pursigihin — MVP

NANINIWALA ang pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Manuel V. Pangilinan na dapat bigyan din ng pansin ang 3×3 basketball dahil sa panalo ng Manila West sa FIBA Asia 3×3 Manila Masters noong Linggo ng gabi sa SM Megamall Fashion Hall.

Sinabi ni Pangilinan sa harap ng mga manunulat na natuwa siya sa daming taong nanood ng finals kung saan nagkampeon ang tropa nina KG Canaleta, Rey Guevarra, Terrence Romeo at Aldrech Ramos, 21-17, kontra sa Doha ng Qatar sa finals.

Parehong aabante ang dalawang koponan sa FIBA World Masters 3×3 finals na gagawin sa Tokyo, Japan, sa Oktubre.

Tumataginting na $10,000 ang naging premyo ng mga Pinoy bilang kampeon sa torneo.

“FIBA was surprised because they were skeptical about the kind of audience that would watch the 3×3. They also wanted an outdoor venue but we wanted it indoors dahil baka uulanin tayo,” wika ni Pangilinan. “Good thing that FIBA checked the area and gave us the go-signal to stage the event. Hopefully in the future, we may get to host the FIBA World 3×3.”

Umaasa rin si Pangilinan na papayag ang team owner ng Globalport na si Mikee Romero na pakawalan pansamantala si Romeo para makasali sa torneo sa Japan.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …