Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

She’s Dating The Gangster, humataw sa takilya! (Kathniel movie, naka-P80 milyon na sa loob ng apat na araw)

 

ni Nonie V. Nicasio

HINDI nagpa-awat ang lakas ng tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kahit sa kasagsagan ng ma-tinding bagyong Glenda. Kahit hinagupit ng bagyo ang mara-ming bahagi ng Metro Manila at Luzon, humataw pa rin sa takilya ang She’s Dating The Gangster at kumita ito ng P80 million pesos sa takilya sa loob ng apat na araw!

Ito ang ika-limang tambalan nina Kathryn at Daniel na itinuturing din bilang Teen King and Queen. Una silang nagtambal sa 24/7 in Love noong 2012, sinundan ito ng blockbuster na Sisterkas na entry sa MMFF. Tapos ay ang pelikulang Must Be Love last year na sinundan ng Pagpag: Siyam na Buhay na entry din sa 2013 MMFF.

Nagbukas noong July 16 ang naturang pelikula ng Star Cinema at kumita agad ito ng 15 mil-yon. Ito’y base sa July 17 Instagram account ni Mico Del Rosario, Star Cinema’s advertising and promotions manager na nag-post ng ganito: “P15 Million yesterday alone! Maraming mara-ming maraming salamat po!!! Love, #teamgangster #shesdatingthegangster”

Sa ngayon, palabas sa higit 200 sinehan ang blockbuster movie’ng ito nina Kathryn at Daniel. Inaasahang dadagsa lalo ang Kathniel fanatic sa pagganda ng panahon, kaya maaaring kahapon (Sunday) ay umabot na ang kita ng pelikula nila sa P100 million mark.

Sa ipinakitang kakaibang lakas sa takilya ng tambalang Kathniel, minsan pang pinatunayan ng dalawang teenstars na hawak nila ang korona bilang hottest at most bankable teenstars ng bansa.

Walang dudang sina Kathryn at Daniel ang bagog gold mine ng ABS CBN at Star Cinema. Ang next na aabangan naman sa kanila ngayon ng sandamakmak nilang fans ay ang follow-up na TV series nila sa Kapamilya Network, matapos ang super lakas sa ra-tings na Got To Believe.

Bukod kina Kathryn at Daniel, kasama rin sa She’s Dating The Gangster sina Khalil Ramos, Igi Boy Flores, Alexander Diaz, John Uy, Yana Asistio, Sofia Andres, Marco Gumabao, at Pamu Pamorada, with the special participation nina Dawn Zulueta at Richard Gomez.

HIRO PERALTA, GUSTONG MAGING PSYCHO-KILLER!

GUSTONG patunayan ni Hiro Peralta na may ibubuga talaga siya bilang actor, kaya naman nasabi nitong gusto niyang gumanap ng mga kakaibang roles. Kabilang sa mga papel na ito ay ang maging kontrabida at psycho killer.

“Nandoon po ako sa stage ng career ko na gusto kong gumawa ng mga roles na out of the box. Iyong mga character for example, ngayon po ang iniisip ko, gusto kong maging kontrabida. Gusto kong i-try, pero not that typical kontabida… gusto ko maging psychopath, iyong may sayad na parang sobrang psycho na kontrabida na willing pata-yin lahat ng kakalaban sa kanya.

“Kasi dati, yung perception ko is, ‘Gusto ko maging leading man, gusto ko maging leading man, gusto ko maging leading man…’ Anyway, gusto ko rin naman talaga, but nandoon na tayo sa stage na gusto ko ay may laman ‘yung character ko,” saad ng guwapings na alaga ni katotong John Fontanilla. Ang pinagkakaabalahan ngayon ni Hiro sa TV ay ang BFF at Walang Tulugan. Kailan lang ay isa siya sa awardee sa FAMAS para sa German Moreno Youth Achievement Award. Kasama niyang pinara-ngalan dito sina Ken Chan, Jerome Ponce, James Reid, Janine Gutierrez, at Julia Barretto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …