Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga pasabong ni Atty. Ferdinand Topacio, sa sinasabing relasyon nila ni Claudine Barretto mapapanood mamaya sa “Face The People”

ni Peter Ledesma

NAKU kung gusto ninyong mapanood ang lahat ng rebelasyon ng famous and controversial lawyer ng bansa na si Atty. Ferdinand Topacio tungkol sa kung anong relasyon mayroon sila ng kliyenteng actress na si Claudine Barretto?

Panoorin siya mamayang 10:15 a.m. sa “Face The Peoples” kasama sina Gellie de Belen, Christine Bersola-Babao at Edu Manzano na siyang mga host ng said show. Yes walang itinago si Atty. Ferdie simula day one mang magkakilala sila ni Claudine hanggang ngayon at kung paano niya ipinaglaban at prinotektahan ang ex ni Raymart Santiago sa korte o sa national television ay sa buong episode ng programa isisiwalat.

May sagot rin siya sa isa sa sobrang maepal na abogado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo at maging si Clau, ay nagbitaw rin ng kanyang maaanghang na salita laban sa pakialamera at sulsolerang abogada na siyang sanhi ng muling hindi nila pagkakaunawaan ngayon ng ama ng kanyang mga anak na sina Santino at Sabina. Sa ikalawang pagkakataon ay buong tapang rin niyang isinapubliko ang pagiging isang battered wife kay Raymart.

Samantala kay Atty. Ferdie, may ipinaabot naman siyang mensahe ng kanyang buong pusong pasasalamat. Ang nasabing abogado ang itinuturing niya ngayong kanyang “Knight of Shining Armour.” So huwag niyong palalamapasin ang maiinit na episode mamamaya sa Face The People sa TV 5.

Tutok na tayong lahat gyud!

Mapapanood na tonight sa Primetime Bida

“HAWAK KAMAY” NI PIOLO PASCUAL MAGBIBIGAY INSPIRASYON SA BAWAT PAMILYA

Paano mababago ng responsibilidad ng pagiging ama sa tatlong ampon ang buhay ng isang lasenggong nangangarap maging sikat na musikero.

Ito ang magiging tanong sa bagong family drama ng ABS-CBN na “Hawak Kamay” na malapit nang mag-premiere. Mapapanood ang pagbabalik ni Piolo Pascual sa mundo ng teleserye pagkatapos ng tagumpay ng kanyang nakaraang pelikulang “Starting Over Again.” Makakasama ni Piolo sa “Hawak Kamay” ang tatlo sa pinakamahuhusay na child star ng bansa na sina Zaijan Jaranilla, Andrea Brillantes at Xyriel Manabat. Ipinakikilala rin sa “Hawak Kamay” ang bagong child star na si Yesha Camille, na naging Grand i-Shiner matapos i-mentor ni Piolo sa pangalawang season ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp.

Ang “Starting Over Again” co-star din ni Piolo na si Iza Calzado ay kasama sa cast, pati na rin ang singer-actress na si Nikki Gil, ang “Banana Split: Extra Scoop” at “Banana Nite” mainstay na si Ryan Bang, ang “She’s Dating the Gangster” cast member na si Sofia Andres, ang former Pinoy Brother housemate na si Axel Torres, at ang nagkaka-comeback na si Victor Neri.

Ang “Hawak Kamay” ay kwento ni Gin (Piolo Pascual) na isang lasenggong bumibitaw na sa pangarap niyang maging sikat na musikero. Dahil sa isang aksidente, mapupunta kay Gin ang responsibilidad na kunin ang tatlong batang ini-adopt ng kanyang namatay na kapatid: sina Emong (Zaijan Jaranilla), Dara (Xyriel Manabat), at Ningning (Yesha Camile).

Ang set-up na ito ay babantayan ng isang matapang na attorney, si Bianca (Iza Calzado) at ng kanyang kapatid na si Lorrie (Andrea Brillantes), na makakikita kung tama ba si Gin para sa tatlong mga bata. Sa paghaharap nilang lahat sa iba’t ibang bagay ay unti-unting malalaman nila kung ano ba talaga ang importante sa buhay at kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagiging bahagi ng isang pamil-ya.

Samantala last Sunday, isang araw bago mag-premiere ang serye ay nagkaroon ng mall show ang cast ng “Hawak Kamay” na sina Piolo, Iza, Zaijan, Xyriel, Andrea, at Yesha sa Fairview Terraces na dinumog sila ng libo-libong fans.

Huwag palampasin ang simula ng kwento ng “Hawak Kamay” na mapapanood simula Lunes (Hulyo 21) pagkatapos ng “TV Patrol” sa ABS-CBN. Para sa mga update, sundan ang opisyal na website ng “Hawak Kamay” (hawakkamay.abs-cbn.com), i-like ang “Hawak Kamay” sa Facebook (www.facebook.com/HawakKamayTV), at sundan ang “Hawak Kamay” sa Twitter at Instagram (@HawakkamayTV).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …