MARARAMDAMAN pa rin ang hagupit ng bagyong Henry kahit hindi ito direktang tatama sa lupa.
Ayon sa ulat ng Pagasa, magla-landfall ito sa katimugan ng Taiwan na hindi kalayuan sa Extreme Northern Luzon.
Inaasahan ang pagtama ng bagyo sa Taiwan sa Miyerkoles, Hulyo 23, 2014, kung hindi magbabago ang takbo ng sama ng panahon.
Huling namataan ang sentro nito sa layong 420 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Borongan, Eastern Samar.
Taglay pa rin ang lakas ng hangin na 120 kph at pagbugsong 150 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 13 kph.
Habang walang nakataas na ano mang babala ng bagyo dahil malayo pa sa kalupaan ng ating bansa.