KULONG ng 20 taong ang hatol ng Hong Kong government sa isang Pinay na napatunayang nagkasala ng drug trafficking.
Isang taon nang nakakulong si Nenita Ventura Manejero habang dinidinig ang kaso.
Nitong Huwebs (Hulyo 17) opisyal nang pinatawan ng parusa si Manejero.
Si Nenita ay inaresto noong Hulyo 20, 2013, kasama ang kapatid na si Vinia sa Chek Lap Kok International Airport nang mahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng HK$9 milyon (P50 milyon).
Ang kanyang kapatid na si Vinia, 27, isang logistics officer sa Filipinas ay pinawalang-sala.
Inamin ni Nenita ang krimen kaya’t bumaba sa 20 taon ang pagkakabilanggong ipinataw sa kanya ng korte mula sa 30 taon, habang si Vinia ay itinanggi ang akusasyong may dala siyang ilegal na droga sa Hong Kong.
Batay kay Ody Lai, Pinay na abogado ng magkapatid, hindi naging madali ang makipag-bargain sa Department of Justice (DOJ) sa Hong Kong.
Ang magkapatid ay pauwi na sa bansa nang hulihin ng mga awtoridad sa Hong Kong.
Walong beses nang nagtungo sa Hong Kong si Vinia bago nangyari ang pinakahuling insidente.
(JAJA GARCIA)