Tuesday , November 5 2024

Kalansay ng 11-anyos na pinatay ng tiyuhin natagpuan

MATAPOS makonsensiya sa ginawang pagpatay sa 11-anyos na pamangkin, sumuko sa pulisya ang 20-anyos na lalaki sa Baliuag, Bulacan.

Inamin ng suspek na si Raymund Tabunda, alyas Kumag, nang humarap sa mga awtoridad na siya ang pumatay sa kanyang pamangkin na si Lyza dela Cruz, kilala sa tawag na Negra nitong Marso 30.

Itinuro ng suspek kung saan banda niya itinapon ang bangkay ng pamangkin sa gilid ng isang ilog sa Barangay Sabang, Baliuag.

Kalansay na nang matagpuan ang labi ng biktima at kinilala lamang sa pamamagitan ng headband na nakasuot sa bungo.

Ayon sa suspek, pinatay niya ang biktima sa pamamagitan ng paglunod sa ilog saka tinakpan ng waterlily.

Inaalam ng pulisya ang dahilan ng suspek sa pamamaslang at kung pinagsamantalahan ang biktima.

(DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *