Tuesday , November 5 2024

Hardinero nahulog mula rooftop tigok (Nagpuputol ng puno)

NAMATAY ang isang 58-anyos hardinero nang mahulog mula sa rooftop ng gusali ng United Methodist Mission House habang nagtatabas ng sanga ng punong Mangga sa Malate, Maynila, kamakalawa.

Idineklarang patay ilang oras matapos dalhin sa Ospital ng Maynila (OSMA), ang biktimang si Ruben Beraquit, laborer, ng Blk.31, Lot. 38, Phase 3, Southville I, Marinig, Cabuyao, Laguna.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District – Homicide Section, dakong 9:30 a.m. nang mahulog mula sa rooftop ng gusali ang biktima.

Nabatid na malakas ang hangin nang oras na iyon pero nagpilit pa rin umakyat sa rooftop ng Mission House sa 1846 J. Bocobo St., ang biktima kasama ang isa pa para putolin ang mga sanga na humahampas sa gusali.

Dahil basa ang tinutungtungan at malakas ang hangin nadulas ang biktima hanggang tuluyang nalaglag at tumama ang ulo sa baldosa.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *