Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, ‘di pa rin kasundo ang pamilya

072014 ellen adarna

ni Pilar Mateo

THIRTY is the marrying age for sexy kontrabida in Moon of Desire, Ellen Adarna.

Ang inabangan pero hindi nakarampa sa FHM na sultry beauty ay rumampa naman sa launching niya bilang pinakabagong endorser ng Bench Body. Ang mga sexy undergarment.

Very supportive naman sa kanya ang non-showbiz boyfriend niya dahil anuman ang gawin niya eh aprub naman sa mahal niya.

Naihinga nga ni Ellen na up to now, deadma pa rin sa kanya ang pamilya niya. Tanging ang mommy niya ang once a week na lang na tumatawag sa kanya.

“Minsan, mas ma-appreciate mo pa ang ibang tao kasi they appreciate what you do.”

Hindi nga raw niya inilalagay sa isip niya ‘yung sinasabi ng iba na she’s now a diva in her own right.

“Am still the same me! I will make wala if want to. ‘Yun nga lang I choose na where I want to make wala!”

ROBIN, MAPAPANOOD NA SA JASMINE

IPINASULYAP na noong nagdaang linggo ang magiging role ng ‘Bad Boy of Philippine Movies’ na si Robin Padilla sa JasMine.

Simula sa Linggo ay mapapanood na ng fans si Robin bilang si Jacinto, matalik na kaibigan ni Inspector Ramirez (Matthew Padilla) at siyang mentor nito sa pagkapulis. Interesting ang magiging role ni Robin sa love mystery drama series ng Singko at inaasahan na mas magiging kapana-panabik ang mga eksena sa kanyang paglabas sa programa.

Samantala, malalagay sa peligro ang buhay ni Jasmine (Curtis Smith) sa pagpayag na makipagtulungan sa pulisya para matunton si Maskara at ma-rescue si Miguel (Gerard Sison). Dahil dito, magiging worried sa kanya si Alexis (Vin Abrenica) na siya ring ikapapahamak ng aktor.

Patuloy naman ang torture na ginagawa ni Maskara kay Miguel. Gaano ba kasama si Maskara? Matutulungan ba ni Jasmine ang pulisya na ma-rescue si Miguel? At anong mga panibagong kuwento ang dala ni Jacinto?

Tutukan si JasMine kada Linggo, 5:00 p.m. (replay kada 10:00 p.m.) sa TV5!

KEANNA, INISNAB ANG PREVIEW NG SARILING PELIKULA

NO show sa preview ng kanyang pelikulang Yolanda si Keanna Reeves.

Ang usap-usapan, may selos factor ito sa kanyang director na si Joric Arquiza.

In fairness, nag-stay naman ang mga tao sa panonood sa plight ng isang pamilyang naging biktima nga ng nasabing bagyo.

Mukhang in love sa kasama niya sa movie na bagets si Keanna at dahil mas binibigyang pansin ito ng ilang direktor, ayun nagdudumiva ang bagets killer na starlet!

Tamang-tama sa panahon ngayon ang pagpapalabas ng pelikula na magpapaalala sa kinasadlakan ng marami nating kababayan sa pananalanta noon ni Yolanda.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …