MULING nanguna si Vice President Jejomar Binay bilang kandidato sa 2016 presidential elections, ayon sa latest survey ng Pulse Asia.
Nakuha ni Binay ang 41 porsiyento ng boto ng 1,200 respondents sa Pulse Asia’s survey presidential preferences ng mga Filipino para sa 2016. Isinagawa ang survey mula Hunyo 24 hanggang Hulyo 2.
Ito ay bahagyang mas mataas kaysa 40 percent rating na kanyang nakuha sa Pulse Asia’s March 19-26 poll.
Pangalawa si Sen. Grace Poe sa 12 porsiyento, kasunod si Manila Mayor Joseph Estrada sa siyam na porsiyento.
Pang-apat at pang-anim sina Sen. Chiz Escudero, Interior Secretary Mar Roxas at Sen. Miriam Defensor Santiago sa pitong porsiyento bawat isa.
Sumunod sina Senators Bongbong Marcos at Alan Peter Cayetano sa limang porsiyento.
Habang nakakuha si Sen. Bong Revilla, kasalukuyang nakakulong dahil sa kasong plunder, ng dalawang porsiyento, kasunod si Senate President Franklin Drilon at Senator Richard Gordon sa tig-isang porsiyento.