ITINANGGI ng 62nd Famas Best Supporting Actress na si Bela Padilla ang isyung dinedma niya at hindi pinansin si Louise Delos Reyes nang magkasama sila sa taping ng isang show. Akmang babatiin daw ni Louise si Bela pero deadma ang huli.
Ayon sa tsika, simpatya raw ‘yun ni Bela sa pinsan niyang si Kylie Padilla. Balita kasing naghiwalay sina Kylie at Aljur Abrenica dahil sa pagkaka-link ni Aljur kay Louise.
“Ha??Of course not!!! In-offer ko pa na ibigay niya gamit niya sa PA ko kasi nagti-taping na. Saan naman galing ‘yun?Ha!ha!ha!
“Ako pa ang unang kumausap sa kanya. Siya nga ‘yung di namansin noong start, eh,” tugon ni Bela nang mag-DM kami sa kanya sa Twitter.
“Ang weird naman! ‘Di talaga kami close ni Louise. I begin with but I did offer her,” mensahe pa niya sa amin.
Asiwa ba noong una si Louise?
“No, walang namang asiwa…we’re not close to begin with, but I talked to her first,” sagot niya
Wala naman daw siya sa posisyon para mag-react kina Louise at Aljur dahil wala siya sa sitwasyon na ‘yun.
Katunanayan, gaganap siyang girlfriend ni Aljur sa pelikulang Cain at Abel. Magi-start pa lang sila kaya hindi n’ya alam kung may ilang factor na mangyayari. Nagbiro na lang si Bela na siguro pipitikin na lang niya si Aljur sa tenga at yayayain na niya itong mag-shoot na sila.
Talbog!