INIUTOS ng Sandiganbayan ang tatlong-buwan suspensiyon kay Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder bunsod ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam.
Batay sa kautusan ng 5th division ng anti-graft court, 90 araw ang ipinataw na suspensiyon laban kay Estrada bilang senador batay sa hirit ng Ombudsman.
Inutusan din ang Senate president na magbigay ng abiso sa loob ng limang araw makaraan matanggap ang kanilang resolusyon.
Ayon sa abogado ni Estrada na si Atty. Alexis Abastillas, maghahain sila ng motion for reconsideration sa panibagong kautusan ng korte.
“Wherefore, in view of the foregoing, the prosecution’s motion to suspend accused pendente lite dated 30 June 2014 is hereby granted. Accused Jose “Jinggoy” P. Ejercito Estrada is hereby suspended from his position as Senator of the Republic of the Philippines, and from any other public office which he may now or hereafter be holding for a period of ninety (90) days from receipt of this resolution, unless a motion for reconsideration is seasonably filed,” bahagi ng utos ng Sandiganbayan 5th Division.
GIGI REYES ‘DI NAGPASOK NG PLEA SA ARRAIGNMENT
TUMANGGI ang dating chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile na si Atty. Gigi Reyes na magpasok ng plea kasabay ng pagbasa ng sakdal sa kanya kaugnay sa kasong plunder bunsod ng multi-billion peso pork barrel scam.
Dahil dito ang Sandiganbayan na lamang ang nagpasok ng “not guilty plea” para kay Reyes.