Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ravanes, Purves tagilid sa SMB

MALAKI ang posibilidad na hindi tatagal bilang head coach at assistant coach ng San Miguel Beer na sina Melchor “Biboy” Ravanes at John Todd Purves sa darating na PBA 40th season na magsisimula sa Oktubre.

Isang source ang nagsabing pinag-iisipan na ng pamunuan ng San Miguel Corporation na sibakin ang dalawa dahil sa palpak na kampanya ng Beermen sa katatapos na season.

Sa ilalim nina Ravanes at Purves ay natalo ang SMB sa quarterfinals ng Commissioner’s Cup kontra Air21 at sa Governors’ Cup kalaban naman ang San Mig Super Coffee kahit hawak nito ang twice-to-beat na bentahe.

Ilan sa mga kandidato bilang kapalit nina Ravanes at Purves ay sina Leo Austria, Boysie Zamar at Ato Agustin na dating head coach ng Barangay Ginebra San Miguel.

Sa ngayon ay pinuno ng Ateneo sports si Austria samantalang si Zamar ay coach ng Cebuana Lhuillier sa PBA D League.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …