Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, mas priority ang anak na si Iñigo; Shaina, friends lang

071914 piolo shaina

ni Alex Datu

BALITA noon, nagkakaigihan na sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao at maraming masaya dahil tiyak mapapadali na ang paglagay sa tahimik ng aktor. As in, mayroon na itong paglalaanan ng kanyang pagmamahal at posibleng mauwi sa kasalan ang kanilang nababalitang relasyon.

Kaya lang sa isang interbyu sa aktres, nabanggit nitong hanggang ngayon ay single pa rin siya at patuloy ang paghahanap ng kanyang Mr Right. Hence, maraming nanghinayang ngayon sa nabalitang relasyon ng dalawa dahil ang balita noon, magkasundo sila at sabay pa silang dumadalo sa fellowship.

Lalong nawalan ng pag-asawa ang ilang nagmamahal sa aktor dahil base sa interbyu, sinabi nitong sobra silang abala sa kani-kanilang trabaho at tama naman sa parte ni Piolo, kasalukuyan nitong ginagawa ang Hawak Kamay, isang teleserye na pagsasamahan nila ni Iza Calzado samantalang wala kaming alam na pinagkakaabalahan si Shaina.

Ayon kay Piolo, ang importante, tuloy pa rin ng pagkakaibigan nila ng aktres kaya kung anong nasimulan nilang relasyon ay papanatilihin ito. “Maliit lang naman ang mundo natin, ganoon na lang muna,” paliwanag ng aktor at dagdag pa nito, palagi silang nagkikita at nagkakausap sa ASAP.

Sa ngayon, binabalanse ng aktor ang lahat tulad ng kanyang pamilya, karir, at pag-ibig pero nadagdagan pa ito ng isa, kailangan nitong bigyan ng panahon si Inigo lalo at wala siya sa piling ng anak sa pagbibinatilyo nito. Sa puntong ito, isang unsolicited advice ang puwede naming ibigay kay Shaina, humayo ka at hanapin ang Mr Right mo. Mahirap na, sa paggising mo isang araw, matanda ka na pala.

LANCE, NAGING VISIBLE MATAPOS ANG AKSIDENTE

NATAWA si Lance Raymundo sa tsikang blessing in-disguise ang tinamong freak accident nang mahulog sa kanyang mukha ang barbel.  Naging visible ito sa TV guestings at left and right ang artikulo sa kanya sa mga pahayagan.

“Kung alam lang ng lahat ang pinagdaanan ko, kung gaano kasakit ang barbel na tumama sa aking mukha na talagang na-deform ito at muntik ngang lumuwa ang aking mga mata, mukha, ayaw kong mangyari sa akin ‘yun kahit sabihing blessing in-disguise dahil pinag-uusapan ako ngayon sa apat na sulok ng showbiz,” pahayag nito.

Sa puntong ito, pinasalamatan namin ang actor/singer dahil pinagbigyan niya ang aming paanyaya na mag-guest sa aming set sa The Crowd Restobar dahil regular kami roong kumakanta. “Nagpapasalamat din ako sa ‘yo Kuya Alex at ito ang aking unang live performance after my freak accident dito sa set mo. Thank you po,” pahayag nito pagkatapos kumanta.

Ayon din sa kanya, nasabi nitong pinag-isipan nila noon kung idedemanda ang gym na kanyang pinupuntahan pero mismo ang ina nitong relihiyosa ang nagasabing, aksidente ang nangyari kaya walang dapat sisihin at walang dapat iturong may kasalanan.  ’Ika nga, everything has a reason why it happened. tulad ngayon, maraming nagsabing gumuwapo siyang lalo pagkatapos ng operasyon sa mukha at nagkaroon ng mga offer para magkaroon ng concert, pelikula at speaking engagements.

Sa madaling salita, hindi nakasama kundi nakatulong sa aktor ang freak accident na nangyari sa kanya hence, blessing in-disguise, ‘yun na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …