Tuesday , November 5 2024

Pinoys nanawagan ng kapayapaan para sa Gaza

KASABAY ng pag-igting ng tensyon sa Gaza, nanawagan ang ilang grupo ng mga Filipino ng kapayapaan sa pamamagitan ng kilos-protesta sa tulay ng Mendiola kahapon.

Pinangunahan ng International League of People’s Stuggle (ILPS) Philippines Chapter ang naturang demonstrasyon.

Ayon kay ILPS Chairman Elmer Labog, dapat makialam ang gobyerno at gumawa ng aksyon sa umiinit na tensyon sa Gaza.

Maraming mga sibilyan, lalo ang mga batang nadadamay sa kaguluhan ganoon din ang mga kababayang Pinoy na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan ang hindi malayong madamay sa kaguluhan.

Dagdag niya, hindi dapat nagkikibit- balikat ang pamahalaan ukol sa usaping pandaigdigan katulad ng nagaganap na genocide sa Gaza.

Hindi ito ang huling kilos-protesta, aniya dahil nakakasa na ang malalaking rally sa mga syudad sa buong mundo kaugnay pa rin  ng kaguluhan sa Gitnang Silangan. (JHON BRYAN ULANDAY)

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *