KASABAY ng pag-igting ng tensyon sa Gaza, nanawagan ang ilang grupo ng mga Filipino ng kapayapaan sa pamamagitan ng kilos-protesta sa tulay ng Mendiola kahapon.
Pinangunahan ng International League of People’s Stuggle (ILPS) Philippines Chapter ang naturang demonstrasyon.
Ayon kay ILPS Chairman Elmer Labog, dapat makialam ang gobyerno at gumawa ng aksyon sa umiinit na tensyon sa Gaza.
Maraming mga sibilyan, lalo ang mga batang nadadamay sa kaguluhan ganoon din ang mga kababayang Pinoy na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan ang hindi malayong madamay sa kaguluhan.
Dagdag niya, hindi dapat nagkikibit- balikat ang pamahalaan ukol sa usaping pandaigdigan katulad ng nagaganap na genocide sa Gaza.
Hindi ito ang huling kilos-protesta, aniya dahil nakakasa na ang malalaking rally sa mga syudad sa buong mundo kaugnay pa rin ng kaguluhan sa Gitnang Silangan. (JHON BRYAN ULANDAY)