Wednesday , December 25 2024

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 35)

MULING INIYABANG NI LUCKY BOY ANG ‘NEW FRIEND’ SA DABARKADS NIYA

Present doon sina Biboy, Ardee at Mykel. Paubos na ang laman ng coffee mug ng bawa’t isa sa kanila. Payosi-yosi sila sa pagkukwentohan. Parang nagkaulap tuloy sa smoking area ng coffee shop ng mall na aming hang-out.

“Kung makangiti ka, e, parang ibig mong manlibre sa amin ng meryenda, a,” pang-uurot ni Mykel pagkakita sa akin.

“’Dre, bakit nga ba blooming na blooming ngayon ang kapogian mo?” segunda ni Biboy na humila ng bakanteng silya para sa akin.

“Secret” ang pa-epek na ngiti ko sa aking mga dabarkads.

Tinabihan ako ni Mykel sa upuan. Hinap-los-haplos ang ulo ko para alaskahin ako.

“Deadly weapon ‘to, ‘Dre… Ingat ka sa les-pu,” aniya sa pa-spike na ayos ng buhok ko.

“’Lol, d’yan nai-in-love sa akin ang mga bebotski,” sabi ko na pumigil sa kamay ni Mykel.

“Talaga, ha? Bebotsking aw-aw o oink-oink?” halakhak niya.

Nakihalakhak sa kanya sina Biboy at Arvee. Pero agad silang natahimik nang ipakita ko sa kanila ang kuha namin ni Karla sa aking cp.

“Sino s’ya, ‘Dre?” bulalas ni Biboy sa panlalaki ng mga mata.

“Si Karla…” kindat ko sa kanya.

“Syota mo, ‘Dre?” si Arvee, excited malaman ang isasagot ko.

“Hindi pa… Pero tingin ko’y malapit na…” pagyayabang ko.

“Bolahin mo’ng lelong mo…” ingos ni Mykel.

Papel na talaga ni Mykel ang pagiging isang kontrabida kaya hindi ko na lang siya pinansin. Kina Biboy at Arvee ako nagkwento kung paano kami nagkakilala ni Karla. Siyempre’y binanggit ko na rin sa kanila ang pagkikita namin sa fastfood at ang pag-aalok niya na maging mo-delo ako sa kanyang pagpi-painting.

Napanganga sa akin sina Biboy at Arvee.

Biglang bumanat si Mykel. Ibig magpa-impress na matalino ang loko. Sa dialectical materialism daw ay may sinasabing “cause and effect.” Lahat aniya ng bagay ay kumikilos nang may dahilan. At ano raw kaya ang posibleng dahilan ng biglang-biglang pagpapakita ni Karla ng kabaitan at pagkagiliw sa akin. Nagsampol siya ng multiple choice sa kalagayan umano ng pagkatao ni Karla kaya gayon na lamang ang pagtrato niya sa akin: (A) May sira sa ulo; (B) Mahilig sa rare species ng isang indigenous people; (C) Walang taste sa lalaki; (D) All of the above. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *