Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Palaboy ‘itinumba’ ng uhaw at gutom

MALAMIG na bangkay na ang isang lalaki nang matagpuan sa tapat ng Centro Escolar University sa San Miguel, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi pa nakikilala ang biktima, na tinatayang nasa 42-47 anyos, kulay orange ang damit, nakaitim na tokong at may tattoo na ‘JOSEP’ at ‘FE’ sa kanyang kaliwang braso.

Ayon sa gwardyang si Ruselo Robles, duty guard ng CEU, nag-iikot-ikot s’ya nang mapansin sa tapat ng South Gate ang nakahandusay na lalaki.

Agad n’yang tinawagan ang supervisor upang pagtulungang lapatan ng paunang lunas ang biktima ngunit wala nang pulso. Batay sa report ni PO3 Melvin Carbonida, maaaring lubusang pagkagutom at uhaw ang ikinamatay ng biktima dahil nakahawak sa kanyang tiyan bago tuluyang mawalan ng hininga.

Gayon pa man isinailalim sa imbestigasyon ang pagkamatay ng naturang biktima. (JOHN BRYAN ULANDAY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …