Sunday , November 17 2024

Nakakita ng snake at tumakbo

Gndang mrning po Sir,

Napanaginip ko, nakkita ako ng snake tapos po ay tumakbo nang tumakbo araw ako, ano kaya mean. ni2 Sñor? Pls paki interpret po. salamat s inyo, don’t post my # s hataw.. kaloyski ng calloocan ty!

To Kaloyski,

Ang panaginip na tungkol sa ahas ay may kaugnayan sa mga nakatagong takot at pag-aalala na nagkakaroon sa iyo ng malaking epekto. Maaaring ito ay babala na may padating na bagay na hindi mo pa alam dahil hindi pa ito lumulutang, subalit mayroon itong malaking koneksiyon sa iyo, kaya dapat kang mag-ingat sa sarili o sa pinansiyal na bagay. Alternatively, ang ahas ay maaari rin namang simbolo ng temptation, at ng dangerous at forbidden sexuality. Kung natakot ka sa napanaginipang ahas, ito ay maaaring nagsasaad ng pangamba mo ukol sa sex, intimacy o commitment. Maaari rin namang ang ahas sa iyong panaginip ay may kinalaman o may kaugnayan sa mga tao sa paligid mo na hindi mo pa lubos na kilala at hindi dapat pagkatiwalaan. Sa positibong persepsiyon, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge at wisdom. Ito rin ay nagsasaad ng self-renewal at positive changes.

Ang panaginip mo naman na takbo ka ng takbo ay nagsasaad ng pag-iwas mo sa ilang isyu, hindi mo tinatanggap ang anumang responsibilidad sa mga bagay na nagawa mo. Sa kaso mo, maaaring ito ay may kaugnayan sa hindi mo pagharap sa mga bagay na kinatatakutan mo. May pagkakataon na nakadarama ka ng kawalan ng pag-asa. Gawin mong produktibo ang iyong buhay, ang mga negatibong bagay sa iyo ay baligtarin at gawing positibo.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *