Monday , December 23 2024

Mosyon sa DAP inihain ng SolGen

PORMAL nang inihain ng Palasyo sa Korte Suprema ang motion for reconsideration (MR) kaugnay sa desisyon ng Kataas-taasang Hukuman na unconstitutional ang kontrobersiyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Inihayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dakong 3:16 p.m. nang isumite ni Solicitor General Francis Jardeleza ang MR, ngunit hindi binanggit kung ilang pahina ito.

Wala rin sinabi si Valte kung may bagong argumento ang Malacañang na posibleng maging basehan ng mga mahistrado para baliktarin ang nauna nilang desisyon na unconstitutional ang DAP.

Ngunit sa kanyang President’s Address to the Nation (PAN) noong Lunes, iginiit ni Pangulong Aquino na ang Section 49 ng Administrative Code of 1987 ang naging basehan ng Malacañang sa paglikha ng DAP na binalewala ng Supreme Court.

Kamakalawa ay tiniyak ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., na handang sumunod ang Palasyo sakaling panindigan ng Supreme Court ang nauna nilang pasya.

Nilinaw rin niya na hindi naghahamon si Pangulong Benigno Aquino III sa Korte Suprema sa isyu ng DAP at mismong ang Punong Ehekutibo ang nagsabing wala siyang kimkim na galit sa Kataas-taasang Hukuman at iginigiit lamang niya ang prinsipyo at paniwalang ginamit sa mabuti ang DAP.

Ito ay sa kabila ng pahayag ni Pangulong Aquino sa kanyang President’s Address to the Nation (PAN) na dahil sa pasya ng SC ay posibleng magbanggaan ang sangay ng ehekutibo at hudikatura na kailangan pang makialam ang lehislatura.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *