Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martinez sasali sa torneo sa US

UMALIS na sa bansa ang Pinoy figure skater na si Michael Christian Martinez patungong Estados Unidos para simulan ang kanyang ensayo para sa Hilton Honors Skate America mula Oktubre 20 hanggang 27 sa Chicago, Illinois .

Isa si Martinez sa mga inimbitahan ng mga organizers na sumali sa torneo dahil sa maganda niyang ipinakita sa Sochi Winter Olympics noong Pebrero.

Sa press conference ng SM para sa kanya kahapon, sinabi ni Martinez na ninenerbiyos siya sa kanyang pagsali sa Hilton Honors dahil ngayon lang siya sasabak sa skating pagkatapos na mapilay siya noong Winter Games.

“Natutuwa ako kasi dati, pinag-isipan kong tumigil dahil wala akong sponsor,” wika ni Martinez . “Ngayon ay kaya ko nang maka-focus sa training at hindi ko na pinag-iisipan ang finances ko. Three months ang training ko at hindi pa polished ang aking short program kaya gagawin ko ito sa States kapag dumating ako doon. I’ll try my best para hindi ako mangulelat.”

Nagbigay ng suporta ang SM kay Martinez dahil ang kompanya ni Henry Sy ay gagastos sa kanyang training at ang iba niyang pangangailangan sa pagiging skater.

Natuwa naman ang ina ni Martinez na si Maria Teresa sa ipinakitang suporta ng SM sa kanyang anak.

Mga Amerikanong coaches na sina John Nicks at Ilya Kulik ang tutulong kay Martinez sa kanyang paghahanda sa torneo sa Illinois .

“Yung iniisip ko, ginagawa ko ito hindi lang para sa mommy ko, kundi sa aking bansa. I always push myself to the limit. Di ko masyadong iniisip ang pressure and I just enjoy what I do,” pagtatapos ni Martinez . (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …