Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-ama itinumba

DEAD-ON-THE-SPOT ang mag-amang sakay ng motorsiklo makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga salarin habang binabagtas ang madilim na bahagi ng Bernardo St., sa Barangay Bonga Menor, Bustos, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang pinaslang na mag-ama na sina Alex Villanueva, 60 anyos at ang anak na si Jervy, 24 anyos, kapwa nakatira sa Bulacan Heights Subdivision, sakop ng Barangay Catacte sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ng pulisya, magkaangkas sa motorsiklo ang mag-ama pauwi sa kanilang bahay nang harangin ng dalawang lalaki na bigla silang pinagbabaril dakong 9:30 ng gabi.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang pitong basyo ng bala ng .9mm caliber pistol na ipinutok sa mag-ama.

Samantala, blanko ang pulisya sa motibo ng pagpaslang sa mag-ama.

(DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …