Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot nangisay sa kagat ni kuya

TODAS ang isang 22-anyos na lalaki matapos sapakin at kagatin sa dibdib ng kanyang kuya na inawat nya nang makitang sinusuntok ang kanilang ina sa Hamtic, Antique.

Namatay ang biktimang si Ronnie Sasi, 22, pagkatapos makipambuno sa kanyang nakatatandang kapatid na si Randy, 32, sa kanilang bahay sa Barangay Buhang.

Sa salaysay ng kanilang ama, pinipigilan ni Ronnie ang suspek na lasing na lasing umano sa alak habang sinusuntok ang kanilang ina.

Ibinaling ng suspek ang galit sa kapatid na umaawat kaya pintserahan at kinagat.

Bago tumakas ang suspek at naaresto na siya ng mga rumespondeng pulis at umamin sa kanyang nagawang krimen.

‘’Pinagtanggol ko ang sarili ko kasi ginapos nila ako. Kinagat ko siya dahil hindi ako makahinga,’’ depensa ni Randy.

Inaalam ng pulisya ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima na ayon sa ilang doctor na sumuri sa bangkay ay posibleng inatake sa puso ang biktima.

Inihahanda na ang kasong parricide na isasampa laban sa suspek na ngayon ay nakapiit sa detention cell ng Hamtic Police station.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …