Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot binote ng mag-utol (Sa kantyaw na madalas makitagay)

KRITIKAL ang isang mister matapos tarakan ng basag na bote ng magkapatid na tumagay lamang sa inoman sa Caloocan City kamakalawa ng hatinggabi.

Agad isinugod sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang si Wilfredo Bula, 55, ng 126 H. Briones St., 7th Avenue, Grace Park, Bgy. 52, ng nasabing lungsod, sanhi ng mga saksak sa tiyan.

Naaresto ang magkapatid na suspek na sina Michael, 26 at Romualdo Jalova, 26, ng nabanggit din na lugar.

Sa ulat ni PO3 Romel Bautista, nag-iinoman ang biktima kasama ang kanyang dalawang anak at iba pang kapitbahay nang dumating ang magkapatid na suspek na nakitagay.

Sa kalagitnaan ng inoman, isa sa kainoman ang nagbiro sa magkapatid na magaling lamang umano kapag makikiinom kaya napikon ang mga suspek at nagwala hanggang undayan ng sunod-sunod na saksak ng basag na bote si Bula.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …