MAAARING mag-apply ng feng shui para mapagbuti ang enerhiya ng inyong sasakyan. Maaaring matawa ang iba ngunit ang feng shui ay tungkol sa paglikha ng good energy, kaya saan mang space ka naroroon ay maaaring i-feng shui. Ngunit ang sarili mo lamang na space ang maaari mong i-feng shui.
Kung naglalaan ka nang mahabang oras sa pagmamaneho, ang pag-apply ng good feng shui sa iyong sasakyan ay dapat na maging prayoridad. Ang basics ng car feng shui ay pareho lamang ng basics ng home feng shui.
*Panatilihing malinis ang sasakyan para maging malinis din ang iyong sariling enerhiya. Tiyakin ang regular na paglilinis sa sasakyan.
*Dapat ay malinis at sariwa ang hangin. Ang hangin sa loob ng sasakyan, lalo na kung bago – ay maaaring maraming taglay na chemical pollutants. Kung sandali lamang ang iyong pagmamaneho, ito ay hindi magiging problema, ngunit kung mahaba ang iyong biyahe, kailangang matiyak ang sariwa at malinis na hangin sa loob ng sasakyan.
Kung maganda ang panahon, maiging buksan na lamang ang mga bintana. Kung hindi naman, gumamit ng simpleng car aroma therapy diffuser.
*Gumamit ng feel-good feng shui energy enhancers. Ito ay maaaring ang inyong favorite colors and items, rock crystals o images.
*Piliin ang best color para sa inyong sasakyan. Sa pagpili ng best color para sa inyong sasakyan, mainam na magabayan ng sariling pakiramdam. Kung gusto mo ng puti, ito ang iyong good feng shui color. Maaari ring pumili ng best color ayon sa birth element.
Lady Choi