Wednesday , December 25 2024

Itbayat: Bagong Paraiso

071914 itbayat batanes paradise

KUNG nais magbakasyon, pero ayaw din naman ng ibayong-dagat, mag-tungo sa lalawigan ng Batanes at bisitahin ang Itbayat, ang pinakanorteng bahagi ng Pilipinas na may mga tao pang naninirahan.

Maraming mga dumadalaw sa Batanes sa maraming kadahilanan: para makita ang mga bahay na bato sa Sabtang at makasaysayang mga parola sa dalampasigan ng Batan, para matikman ang higanteng coconut crab o tanawin ang mga bakang pinapastol sa mga burol.

Ngunit hindi aabot sa 10 porsyento ng mga pumupunta sa Batanes ang nagkakalakas-loob para dumalaw sa hilagang bayan ng Itbayat.

Narito ang mga dahilan:

1. Malalaki ang mga alon dito

Nasa pagitan ng Balintang and Bashi Channel, dalawa sa pinakadelikadong bahagi ng karagatan sa bansa, sinasabing mapanganib ang biyahe para sa hindi eksperyansadong magbabangka. Para sa hindi sanay, tiyak na iiwasan ng matatakutin sa tubig.

2. Maaaring ma-stranded sa isla ng ilang araw

Kung hindi man matakot sa malalaking alon, madalas sumalakay ang bagyo sa Batanes. Umasa sa malalakas na ihip ng ha-ngin mula Nobyembre hanggang Pebrero at maghandang ma-stranded sa isla bilang bahagi ng inyong travel itinerary.

3. Mahal pumunta, lumisan at bumiyahe pa-libot ng isla

Gaano kalayo ang lalakbayin ng isang lata ng sardinas mula sa General Santos para makarating sa Itbayat. Isipin kung ano ang panganib na mararanasan ng isang barko at maliliit na bangka para makapag-deli-ver ng kargamento sa Basco at hanggang sa Itbayat.

Nangangahulugan na mahal ang bilihin sa Itbayat.

Para mabigyan kayo ng ideya, ang isang araw na biyahe palibot sa Itbayat Island ay nagkakahalaga ng P2,000 bawat tao kada araw–kasama na rito ang guide at upa sa motorsiklo. Pwede pa itong tawaran ng P3,000 kung grupo kayo na magrerenta ng tricycle. Naniningil ang mga matitirhan dito ng P200 bawat pagkain, na pumatak ng P600 para sa almusal, tanghalian at hapunan kasama na ang meryenda.

Itbayat, Batanes: Para sa Tunay na Adbenturero

Kung balewala sa inyo ang mga dahilang inilahad namin, tunay ka ngang hardcore traveler, isang adbentu-rero na may karapatang dumalaw sa Itbayat. Kung hind nagdadalawang-isip sa pagpunta rito, magbasa pa at alamin kung bakit da-pat bumisita sa islang ito. Ang buong isla ng Itbayat ay pinaniniwalaang lumutang na co-ral reef, at makikita kapag nakasakay sa isang eroplano o bangka. Ang buong isla ay napapaligiran ng matatalas na talampas ng batongbuhay, at wala rin dalampasigan sa kahabaan ng baybayin nito! Kadalasan ay nagsisimula ang biyahe rito sa pagdalaw sa Torongan Cave—isang malaking kuwebang nakaharap sa dagat. Pinaniniwalaan ng mga siyentista na nagsilbing pangunahing daan ng ating mga ninuno para makapasok sa Batanes.

Nakapalibot ang mga bahay na bato sa plaza ng kabayanan ng Itbayat, na matatagpuan din ang simbahan.

Alam ba ninyo na ang unang mga bahay rito ay gawa sa damo ng kugon?

Isang maikling biyahe sakay ng motorsiklo ay magdadala sa inyo sa Barangay Raele, Yawran at Varayvayan para makita ang bahay na kugon, ang ‘mas matatandang’ bahay na luma ng Batanes.

Para maprotektahan sa mga bagyo, pinagti-bay ng mga residente rito ang kanilang mga tahanan gamit ang mga coral at malalaking bato.

Ang mga isla ng Itbayat: Isla ng Mavulis

Limang oras na biyahe sakay ng bangka mula sa pantalan ng Pagganaman, ito ang pinaka-norte at pinakamagandang isla ng Itbayat. Narito ang pinaka-norteng dalampasigan ng Pilipinas!

Siayan Island, Itbayat, Batanes

Magkunwaring isa sa mga karakter ng pelikulang Lord of the Rings sa pamamagitan ng paglakbay sa volcanic island na kung tawagin ay Isla ng Siayan. Katulad ito ng pinaglakbayin ni Frodo Baggins kasama si Smigel.

Paano makaRarating sa Itbayat

Para makarating sa Itbayat, kailangan lumipad muna sa Basco.

Matatagpuan ang Basco sa Isla ng Batan, ang pangalawa sa pinakamalaking isla ng Batanes Islands. Mayroon ditong domestic airport, ang Basco Airport, isa sa dalawang paliparan sa Batanes.

Mayroon dalawang airline na Manila-Basco ang ruta mula sa Ninoy Aquino International Airport: ang Philippine Airlines Express at SkyJet Airlines. Lumilipad ang PAL araw-araw habang ang SkyJet ay tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes laang.

Sa eroplano: Nagtutungo ang Northsky Air sa Itbayat at pabalik tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. 10 minuto ang biyahe at nagkakahalaga ng P1,875 one-way.

Sa bangka: May tatlong bangkang nagtutungo ng Itbayat mula Basco sa pagitan ng alas-3:00 hanggang alas-6:00 ng umaga, Lunes hanggang Sabado: ang Veronica, Itranza, at Ocean Spirit. Tatlo hanggang limang oras ang biyahe habang ang pamasahe ay P450 one-way.

Dapat kainin sa Itbayat

Ulang!

Coconut Crab!

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *