Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Italian GF na si Michela, suwerte kay James!

071914 james yap Michela Cazzola

ni Vir Gonzales

SUPER saya ang Italyanang girlfriend ni James Yap na si Michela Cazzola noong tanghaling MVP ang una. May nagkomento nga lang, tila nakalimutan ni James na bigyan ng attention noong magpasalamat ang isa sa kanyang anak, bukod kay Bimby.

Mangyari pa, over joyed si James at nakalimutang batiin din ito.

Isa pa, sa nakalimutang batiin ang ex-na si Kris Aquino.

Sabi naman ng iba, bakit babanggitin pa, may Michela na si James, na nagbibigay ng suwerte sa kanyang mga laro.

BOBBY BENITEZ, CERTIFIED DIRECTOR NA

FINALLY, full-pledge director na ang dating Escolta Boys na si Bobby Benitez na nagdirehe ng pelikulang Education na bida pinagbibidahan ni Diane Medina.

Produced ito ng JMS ni Ms. Jovie Sebastian na napagkamalang artista noong presscon nito na ginanap sa Sangkalan, Grill House.

Bale sa Pangasinan sila ng shoot ng anim na araw na walang tulugan. Puyat na puyat nga si Daria Ramirez noong makakwentuhan namin. Pinilit niyang dumalo kahit my taping kinabukasan.

Maraming raket ngayon si Dadang (tawag kay Daria) pruweba ng pagiging magaling ng artista. Kaya lang bakit kaya raw parang walang nakakapansin sa talent ni Dadang, among our mga awards giving body?

Paulit-ulit na lang kasi ‘yung ibang mga artistang nabibigyan ng award, puna ng mga tagahanga. May palakasan effect ba?

Back to Bobby, marami na rin siyang naiderehe noong araw na mga action picture pero bilang assistant. Idol nga niya sa pagdidirehe si Carlo Caparas. Type niyang maging action director pero buhay ng isang maestro ang nagging inspirasyong gawin bilang pagsaludo sa mga gurong naapi sa Pilipinas. Kulang sila sa atensiyon ng pamahalaan. Ipinakita ng mga artistang sina Daria Ramirez, Tommy Abuel, Leandro Baldemor, PJ Abellana, Eliza Rivera, at Myrnell Vanessa ang kahalagahan ng mga maestro sa pelikulang ito na ipalalabas sa July 23 sa SM North.

Magkakaroon ng grand premiere ang Education na handog ng SM para sa mga guro. May mga suporta ring natanggap ang JMS Production parang tulong na mabuo ang pelikulang ito.

Dapat tangkilikin ng mga studyante at mga guro ang pelikulang alay para sa mga guro sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …