Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi naman ako basted, echosera siya! — Ryan Bang to Alex

042214 Ryan Bang alex gonzaga

ni Rommel Placente

KASAMA si Ryan Bang sa bagong serye ng ABS-CBN 2 na Hawak Kamay na bida si Piolo Pascual katambal si Iza Calzado.

“Ako po talagang nagpapasalamat kay Lord, napakalaking blessing na nakasama ako sa ‘Hawak Kamay’ kasi lahat ng kasama ko rito ay mababait gaya ni Direk Ruel (Bayani), masarap kasama, nakakatawa siya. Si Direk Jerry (Sineneng), napakalambing, lagi niya akong niyayakap. Si Direk Richie at direk Mae parang kapatid ko sila, mababait sila,” sabi ni Ryan.

“Si Kuya Victor (Neri), noong una natatakot ako sa kanya, kasi action star siya. Pero sobrang mabait din pala siya, masarap kausap,” natatawang sabi pa ni Ryan na ikinatawa rin ng lahat ng dumalo sa presscon.

“Lahat ng kasama ko, sobrang mabait pati ‘yung mga bata. Sila ‘yung nagtuturo sa akin kung paano mag-memorize ng linya.

“Si Papa P (Piolo), napakabait niya. Magkasama kami sa dressing room parang hindi siya bida, parang ako pa bida. Sobrang perfect siya. Hindi po ako nagsisinungaling, talaga pong sobrang bait siya. At saka ‘yung mukha niya parang drawing, ang gwapo niya,” papuri pa ni Ryan kay Piolo na natatawa.

Ayon pa kay Ryan, mahilig daw kumain si Piolo kaya pati siya ay lagi ring napapakain.

Samantala, natanong si Ryan tungkol sa ginawang pambabasted sa kanya ni Alex Gonzaga noong mag-guest ito sa show nilang It’s Showtime kamakailan para sa promo ng serye nitong Pure Love. Sabi ni Alex, walang maaasahan sa kanya si Ryan.

“Sabi niya, basted daw ako? Akala ko biro niya lang ‘yun sa TV, totoo pala ‘yun?,” tawa ni Ryan.

“Hindi naman ako basted kasi hindi naman ako sobrang ligaw sa kanya, eh. Echosera siya!, huh!,” na ikinatawa na naman ng lahat sa naging pahayag niya tungkol kay Alex.

“Hindi naman ako talaga tanga, eh. Pinaasa niya ako. Pero ako naramdaman ko may feelings din siya sa akin. Naramdaman ko na may kembot siya sa akin.

“Kung alam ko lang na sobrang ayaw niya sa akin, hindi ko na lang siya papansinin. Pero naramdaman ko naman na talagang may feelings din siya sa akin.”

Pero okey lang kay Ryan kung talagang basted daw siya kay Alex dahil may girlfriend na siya ngayon na isang Koreana rin na taga-FEU.

“Napakabati niya, simple. Happy ako kapag kasama ko siya,” paliwanag pa ni Ryan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …