Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blatche kasama sa Gilas sa Europa

KINOMPIRMA ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na makakasama na ng kanyang national team ang bagong naturalized na manlalarong si Andray Blatche sa kanilang biyahe sa Europa sa susunod na buwan.

Lalaro ng ilang mga tune-up games ang Gilas sa ilang mga bansa sa Europa sa loob ng siyam na araw bago sila tumulak patungong Espanya para sa FIBA World Cup.

“It’s a choice between going to the FIBA World na a little bit tired but more prepared or being fresh and not knowing each other,” wika ni Reyes sa panayam ng InterAksyon.com bago ang laro nila kontra Iran sa semifinals ng FIBA Asia Cup kahapon. “We will have Andray Blatche for the first time. We don’t want to go to the World Cup without Andray Blatche being able to play for us for at least eight or nine games.”

Idinagdag ni Reyes na kasama rin sa biyahe ng Gilas sa Europa sina Marcus Douthit at ang 17 na manlalarong kasama sa national pool.

“Once we are in Spain , we will have to make a choice. That’s one of my ways to make sure na hindi naman sila ma-injure so kailangan magsasalit-salit sila,” ani Reyes. “It’s really a choice kung medyo pagod ka or sunog ka, or hindi naman kayo magkakakilala. I chose the former.”

Sa pag-uwi ng Gilas mula sa Wuhan , Tsina, lalaro sila ng dalawang tune-up games kontra sa mga NBA All-Stars sa Hulyo 22 at 23 sa Smart Araneta Coliseum.

Ilan sa mga NBA All-Stars na sasama sa biyahe patungong Pilipinas ay sina Kawhi Leonard, James Harden, Paul George, Blake Griffin at DeMar DeRozan.

Umatras na si Paul Pierce sa biyahe dahil sa ilang mga personal na bagay.

Ni JAMES TY III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …