NASA loob na ng karagatang sakop ng Filipinas ang bagyong si Henry o may international codename na Matmo.
Ngunit ayon sa Pagasa, hindi na magkakaroon ng landfall sa alinmang panig ng Filipinas ang sentro ng bagyo kundi tutumbukin nito ang Taiwan at Southern Japan.
Huling natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 890 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro bawat oras at may pagbusong hangin na aabot sa 85 kilometro bawat oras.
Nilinaw ng Pagasa, kahit hindi na tatama sa kalupaan ng Filipinas ang bagyong Henry ay magdudulot pa rin ito ng mga pag-ulan lalo na sa Luzon at Visayas dahil pag-iibayuhin nito ang hanging habagat sa susunod na linggo.