Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, gaganap bilang si Amalayer

070514 Angeline Quinto

ni Pilar Mateo

SA pag-alagwa ng Queen of Teleserye Theme Songs na si Angeline Quinto, lalo na sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Dreamscape Television Entertainment, mas nag-a-aspire rin ito na ang mga damdaming ibinubuhos niya sa kanyang pag-awit eh, maitawid naman sa pag-e-emote niya sa harap ng camera.

Ngayong Sabado, July 19, sa kanya ipinagkatiwala ng MMK (Maalaala Mo Kaya) team ang pagbibigay katauhan sa naging biktima ng cyber bullying dahil sa pagtataray niya sa isang staff ng MRT, na naging dahilan para binyagan siya ng “Amalayer”.

Naging viral ang eksenang ‘yun ni Paula Jamie ‘PJ’ Salvosa dahil sa kabila ng pag-iwan sa kanya ng ina, lumaki namang lubos sa pagmamahal ng kanyang lola, lolo, at ama ang buhay nito.

Anong hirap ng dinanas ni PJ para suungin ng nasabing mga pagsubok. Natutuhan na ba niyang patawarin ang sarili at ang mga taong nakasakit sa kanya?

Kasama sa nasabing episode sina Liza Dino, Wendy Valdez, Kean Cipriano, Pamu Pamorada, Chris Villanueva, at Phoemela Baranda mula sa direksiyon ni Garry Fernando at script ni Benson Logronio.

Panoorin how feisty Angeline can get!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …