Sunday , March 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Adik na ama nag-amok 3 paslit grabe

KALABOSO ang isang ama na sinasabing adik matapos mag-amok at pagsasaksakin ang mga anak sa Tondo, Maynila.

Nakapiit na sa Delpan Police Community Precinct (PCP) ang suspek na si Kennedy Borilla, ng 931 Asuncion St., Tondo, Maynila.

Ginagamot sa Gat. Andres Bonifacio Medical Center ang bitktimang sina Jennelyn, 6, anak ng suspek; ang pinsan na si Roselle Joy, 5, at Ellen Luz, 14, kapitbahay ng suspek.

Sa ulat ni Delpan PCP commander Sr. Insp. John Guiagui, dakong 12:00 p.m. kahapon nang maganap ang insidente sa bahay ng suspek.

Nabatid na wili sa paglalaro ang mga biktima nang sasakin sila ng suspek na katatapos lamang umano gumamit ng solvent.

Agad nagresponde ang mga awtoridad kaya nadakip ang suspek bago pa makatakas.

(LEONARD BASILIO /

may kaamang ulat ni John Bryan Ulanday)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …