Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 coed todas, 1 pa kritikal (Motorbike sumemplang)

071914 road accident

PATAY ang dalawang estudyanteng sina Sheranebeth Ocampo at Jane Margarita Lastrolio ng National Teachers College, habang kritikal ang isa pa nilang kasama nang sumalpok sa Ayala Bridge, Ermita, Maynila ang sinasakyan nilang motorsiklo kamakalawa ng gabi. (ALEX MENDOZA)

TODAS ang dalawang coed habang kritikal ang isa pa nang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo sa San Miguel, Maynila, kamakalawa.

Matinding pinsala sa katawan at pagkabagok ng ulo ang naging sanhi ng kamatayan ng mga biktimang sina Sheranebeth Ocampo, 20, estudyante, ng Philippine College of Health and Sciences Inc., ng 263 Area-H Parola Compound, Tondo; at Jenee Anne Lingal, 20, estudyante ng National Teachers College at residente ng 356 P. Casal St., Quiapo, Maynila.

Bali ang buto ng biktimang si Jane Margarita Lastrollo, 21, estudyante ng National Teachers College, ng 165 Santolan Road, West Crame, San Juan City, na isinugod sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay SPO1 Bert Francisco, ng Manila Police District – Traffic Investigation Section (MPD-TIS) , dakong 11:00 a.m. nang maganap ang insidente sa Ayala Bridge, sakop ng San Miguel.

Minamaneho ni Ocampo ang Kawasaki motorcycle na may plakang 6066-HZ habang angkas sina Lingal at Lastrollo, nang pagbaba sa tulay ay dumeretso sa bangketa at nawalan ng balance saka sumemplang.

Sa imbestigasyon, nalaman na pawang nakainom ng alak ang mga biktima at walang suot na helmet.

(LEONARD BASILLIO/ may kasamang ulat ni John Bryan Ulanday)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …