HALOS isa’t kalahating milyon o katumbas ng halos 30 porsiyento ng Meralco consumers ang wala pa rin access sa koryente makaraan ang pananalasa ng bagyong Glenda.
Ayon sa tagapagsalita ng Meralco na si Joe Zaldarriaga, sa Metro Manila ay kabuuang 11 porsiyento o katumbas ng 290,681 households o kabahayan ang wala pang suplay ng koryente habang kung susumahin kasama na ang mga nasa katabing lalawigan, ay may 27.5 percent o katumbas ng 1.468 milyon kabahayan ang wala pang koryente.
Kabilang sa mga lugar na wala pang koryente ayon sa percentage, ay ang Batangas, 65 percent; Bulacan, 8.8 percent; Cavite, 52 percent; Laguna, 48 percent; Rizal, 40 percent; habang pinakamalala sa Quezon na 99.9% o halos walang koryente ang buong lalawigan.
HATAW News Team