Wednesday , December 25 2024

Text-addict na jail guard natakasan ng murder suspect

NATAKASAN ang gwardiya ng Bulacan Provincial Jail ng isang presong may kasong murder dahil sa pagiging abala sa pagte-text kamakalawa.

Kinilala ang nakatakas na si Anthony Garcia Simangan, 32, at residente sa isang bayan sa lalawigang ito.

Habang nahaharap sa kasong administratibo ang nasabing gwardiya na hindi muna pinangalanan habang isinasailalim sa pagsisiyasat.

Ayon sa paliwanag ng isang nagpakilalang si Daniel Mauricio ng nasabing kulungan, inutusan ang tumakas na preso na magtapon ng basura ngunit nalingat ang bantay na abala sa pagti-text kaya sinamantala ng inmate ang pagkakataon para tumakas.

Naglunsad na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang preso.

(DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *