Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNoy, bumaba ang rating dahil kay Nora

 070114 Malacañan Nora pnoy
ni Alex Brosas

DUMAUSDOS ang rating ni Pangulong Noynoy Aquino base sa isang recent survey.

Actually, may 12 rason kung bakit ito nangyari at naloka kasmi sa 12th reason kung bakit bumaba ang popularity ni PNoy.

Sa nabasa namin sa isang Facebook account na naglabas ng isang article about Pulse Asia Survey, ang isa palang rason ay ang pang-iisnab ni PNoy kay Nora Aunor para maging National Artist awardee.

Actually, hindi na kami nagtaka. Negang-nega ang image ngayon ni PNoy dahil sa ginawa niya sa nag-iisang Superstar. Marami ang galit sa kanyang Pinoy. Kahit sa showbiz, marami ang imbiyerna sa kanya.

Lalo pang nagalit sa kanya ang sambayanang Filipino nang i-announce niya na kaya hindi niya feel bigyan ng National Artist award si Ate Guy ay dahil na-convict ito sa drug-related case.

Nagmukhang katawa-tawa tuloy siya dahil hindi naman pala na-convict si Ate Guy. Sino kayang gago ang nagbulong sa kanya niyon?

Anyway, kahit na ano pa ang gawin ni PNoy ay hindi na babango pa ang kanyang pangalan. Wala na halos naniniwala sa kanya ngayon.

Actually, halos isumpa siya ng Noranians sa kanyang ginawa kay Ate Guy.

“Agree ako KARMA na yan MR PRESIDENT.”

“Ang mga noranian noon ay nag-abroad na at patuloy na gumagawa ng paraan sa ikabubuti ng pamilya at nakakatulong sa bansA PERO ANG GOBYERNO WINAWASAK ANG SARILING GOBYERNO DAHIL SA KAWALAN NG MORAL SA PANGUNGURAKOT SUHULAN YAN BA ANG VALUES NA DAPAT KAMTAN NG MGA SUSUNOD NA HENERASYON,” comment naman ng isa.

“Ginago nya ang artistang may pagpapahalaga sa sining ngayon nasaan ang moral mo pati batas gusto mo baluktutin,” maanghang na opinion ng isa pang maka-Nora.

Ilan lamang ‘yan sa maaanghang na comment about PNoy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …