ni Roldan Castro
NABASA namin sa Facebook Account ni Marlene Aguilar ang letter of apology ni Maegan Aguilar sa kanyang ama na si Ka Freddie. Para good karma, tama lang naman na humingi at magpakumbaba si Maegan sa kanyang ama.
July 13 ginawa ni Maegan ang sulat at eksaktong 2 months mula nang umalis siya sa bahay ni Ka Freddie.
Bahagi ng sulat ni Maegan…
“Alam kong naging masakit din para sa iyo ang mga nangyari, lalo na at inilahad ko sa publiko ang matinding away nating dalawa. Marami po ang nagsasabi na hindi ko dapat ginawa ‘yun. Sobrang nasaktan siguro ako ‘Tay kaya inasam kong malaman ng mundo na binasag mo ang puso at kaluluwa ko.
“Gusto kong ipaalam sa ’yo na nasaktan din ako sa ginawa ko laban sa iyo. Nangyari na ang nangyari, at hindi ko na maibabalik ang dati. Ganoon pa man, humihingi po ako ng tawad dahil nasaktan kita.”
Pero nakalagay din sa sulat na hindi sila magpapakita kay Ka Freddie hangga’t nandiyan ang kanyang asawa na si Jovie.
Nagpasalamat din siya kung pinalayas siya ni Kaka dahil lalo siyang nagsumikap sa buhay. Sa kasalukuyan daw ay maganda ang trabaho niya sa Shangri-la Hotel lobby.
Tsuk!