ni Alex Brosas
NAG-ISNABAN daw sina KC Concepcion at Piolo Pascual sa nakaraang FAMAS Awards.Well, hindi ‘yan ang issue. Expected na namin at ng lahat ‘yan. Siyempre, dating magdyowa, hindi naging maganda ang closure at may chismis na hindi kagandahan ang sanhi ng paghihiwalay, mae-expect mo ba silang magbeso-beso kapag nagkita sa isang event? Siyempre hindi, ‘di ba?
Ang chika, itong hindi-pa-rin-maka-move-on na si KC ay nagpatutsada raw. Siyempre, not within earshot ni Papa P.
Nag-one-liner daw ang hitad na si KC nang mapanood niya ang spot number ni Christian Bautistabago igawad kay Piolo ang FPJ Memorial Achievement Award. Kumakanta kasi si Christian habang ipina-flash sa giant screen ang achievements ni Papa P.
Bigla yatang nawala sa kanyang wisyo si KC at nagdayalog daw ng ganito: ”Sana si Mark Bautista ang pinakanta sa segment na ‘yan, hindi si Christian Bautista. It could have been more meaningful to Piolo.”
Naku, true ba na sinabi mo ito KC?
Obviously, hurt pa rin ang beat ng mega-daughter kung nasabi man niya iyon. Hindi pa rin niya makalimutan ang bangungot ng kanilang paghihiwalay.
Move on, move on na rin KC kapag may time. Lalo kang nagmumukhang desperada kapag ganyan palagi ang attitude mo.
When love is gone, sana mawala na rin sa ‘yo ang galit. After all, ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit ka pumatol kay Piolo.