Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 34)

SI KARLA, FINE ARTS STUDENT SA USTE ANG NEW FRIEND NI LUCKY BOY

Ang una ay pagbati ng “gud am” na may kasamang quotation na “Love is the ultimate purpose of man’s existence.” Ang pangalawa ay tanong kung pwede kaming magkita ng “before lunch” sa isang fastfood sa Dapitan na pinakamalapit sa Uste.

Walang dahilan para tanggihan ko si Karla. Eksaktong twelve noon ay naroon na ako sa fastfood na pagtatagpuan namin. Pero nandu’n na rin pala siya, nakapwesto sa mesang pangdalawahan. Maagap siyang tumayo sa paglapit ko. “Ano’ng gusto mo?” ang tanong niya. “Ako na…” ang sagot ko para pumila sa counter sa pag-order ng aming pagkain. At siyempre’y para maging taya na rin sa pagbabayad niyon. Pero hindi siya pumayag. Pilit ni-yang inalam ang gusto kong pagkain at inumin at siya pa rin ang pumila, umorder at nagba-yad ng aming pananghalian.

Sa pagitan ng mga pagsubo ng pagkain ay naitanong ko kay Karla ang dahilan ng aming pagkikita.

“Okey lang ba sa ‘yo na gawin kitang mo-delo sa pagpi-painting ko?” aniyang napatitig sa akin.

Hindi agad ako nakasagot. Tinitigan ko muna siya nang mata-sa-mata.

“Ano’ng ido-drowing mo sa akin?” usisa ko.

“Simple lang… Nakaupo ka sa damuhan, nagbabasa ng aklat at background mo ang isang mural,” paliwanag niya.

“Sige, okey lang…” tango ko. “Kelan mo balak?”

“Saturday, pwede ka? ngiti niya. “ D’yan mismo sa campus ng Uste, start tayo ng mga seven or eight a.m.”

“Okey” ang sagot ko.

Matapos naming kumain ay inilabas ni Karla ang kanyang cellphone. Nag-selfie-selfie siya. Pamaya-maya, tinabihan niya ako at pinag-klik nang pinag-klik ang kamera niyon. Nagpa-picture-picture din kaming dalawa gamit ang aking cp. OMG! Ambango-bango niyang talaga. At sa bahagyang pagkikiskisan ng aming mga braso ay tila may gumapang nang kor-yente sa buong katauhan ko. “Excuse” ang sabi ko sa kanya nang “mag-may I go out” ako para dyuminggel sa CR ng fastfood.

Tulad nang dati, paglabas ng paaralan ay dumiretso na agad ako sa tambayan namin ng mga dabarkads ko. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …