Friday , April 4 2025

Death toll ni Glenda 40 na, P1-B pinsala

UMAKYAT na sa 40 ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyong Glenda, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon.

Ayon sa NDRRMC, ang pinsala sa agrikultura ay umakyat na sa P1,135,026,149.76.

Kabilang dito ang pinsala sa pataniman ng palay, mais at high-value cash crops and livestock sa Central Luzon, Mimaropa at Bicol.

Sa kanilang 4 p.m. update, sinabi ng NDRRMC, apat katao ang nawawala pa habang 17 ang sugatan sa pananalasa ni Glenda habang palabas ng Philippine Area of Responsibility kahapon ng umaga.

Sinabi ng NDRRMC, ang mga apektado ay umabot sa 167,293 pamilya o 882,326 katao, habang 99,548 pamilya o 525,791 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers.

Nabatid din na 23 kalsada at dalawang tulay sa Central at Southen Luzon, Bicol at Cordillera ang hindi pa madaanan dahil sa pinsala at baha.

Iniulat din na P49,186,600 ang halaga ng pinsala sa inprastraktura sa Bataan at Nueva Ecija.

Habang 7,002 kabahayan ang nawasak at 19,257 napinsala.

Bagong bagyo papasok sa PAR ngayong Linggo

HINDI pa man lubos na nakalalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Glenda” (Rammasun), isa pang tropical cyclone ang binabantayan na posibleng pumasok sa teritoryo ng bansa bago matapos ang linggong ito.

Ayon sa ulat, ang bagong bagyo ay inaasahan papasok sa PAR bago matapos ang linggong ito at papangalanan bilang “Henry”.

Nabatid, nasa Pacific Ocean ang bagong tropical depression base sa pagsubaybay ng Japan Meteorological Agency.

Sa hiwalay na ulat, sinabing kung patuloy na mabubuo ang bagong bagyo, posible itong makapasok sa PAR sa Biyernes o Sabado.

About hataw tabloid

Check Also

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Rosales Pangasinan Fire Sunog

Sa Rosales, Pangasinan
INA, 10-ANYOS PIPI-BINGING ANAK PATAY SA SUNOG MULA SA POSTE NG KORYENTE

ISANG 30-anyos ina at 10-anyos anak na babaeng pipi at bingi ang namatay sa sunog …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *