Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Lihim ng Revillaroja (Ika-10 labas)

DIS-ORAS NG GABI NANG MAG-TEXT SI MARY JOYCE KAYA NAG-ALANGAN SI JOMAR

Ang tunay na lalaking gaya ni Jomar ay hindi makatatanggi sa isang kagandahan tulad ni Mary Joyce. Kasabihan nga, “walang manok ang tumatanggi sa palay.”

Iniukol ng binatang salesman ang buong araw sa paghihintay ng tawag o text na magmumula kay Mary Joyce. Pero hanggang sumapit at nakalipas ang maghapon ay wala siyang natanggap na anopamang mensahe sa dalaga.

Mag-aala-una ng madaling-araw nang i-text kay Jomar ni Mary Joyce ang address kung saan sila magtatagpo. Pinapupunta siya sa isang sikat na fastfood sa Tagaytay Highlands. Ang bilin sa kanya ay tawagan niya ito kapag naroroon na siya.

Pero nagdalawang isip siyang magbiyahe nang alanganing oras sa malayo-layong lugar. Nag-reply sa text ng dalaga: “Bukas na lang ng umaga ako pupunta d’yan.” Ang tugon naman nito sa kanya ay “Bahala ka…”

Ipinagpabukas ni Jomar ang pagbibiyahe patungong Tagaytay.

Kinaumagahan ay maaga siyang gumi-sing. Nagkape lang siya at saka naligo. Mag-aala-sais pa lang nang umalis siya ng bahay. Nagbiyahe agad siyang mag-isa. Sa Cavitex siya dumaan para makaiwas siya sa mabigat na trapik.

Nasa bisinidad na ng Tagaytay Highlands ang minamanehong kotse ni Jomar nang bandang alas-nuwebe ng umaga. Nakararami na siya ng text kay Mary Joyce ay hindi pa rin ito nagre-reply. Patay ang cellphone nito nang tawagan niya.

Pumasok siya sa fastfood na nabanggit sa kanya ng dalaga. Doon siya nag-almusal. Doon niya ito pinagsikapang kontakin. Doon na rin siya naghintay nang naghintay ng text o tawag nito.

Mahigit isang oras na roon si Jomar nang tawagan siya ni Mary Joyce. Ipinara-ting nito sa kanya ang ganito:

“Sorry, ha? Pinasamahan kasi ako rito sa rest house ni Daddy sa isang bodyguard niya. Tapos, pinabitbit pa sa akin ang dalawa naming maid. Kaya kumukuha pa ako ng tiyempo. At ‘pag nalingat ang mga bantay ko, pupuntahan agad kita.” (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …