ni Ronnie Carrasco III
IMBIYERNA pala ang kanyang mga katrabaho sa female celebrity na ito. Ang dahilan: “nilalandi” niya ang isang may-asawa nang co-worker whose wife ay maganda pa mandin ang pakikitungo sa kanya.
Kada request kasi niya ng pagkain sa misis ng kanyang ino-aura-han, ang walang kamalay-malay namang wife, may I bring ang nasabing food. Pinagtsitsismisan tuloy siya ng kanyang mga kasama sa show, the nerve nga namang nakikipag-chummy-chummy siya sa wife, samantalang inaakit niya ang husband nito.
Itago na lang natin siya sa alyas na Jillian Cadete, na suspetsa ng kanyang mga workmate ay may lihim na pagnanasa kay Aaron Ranillo na mister ni Susie Anne Jalosjos.